Ang Sinaunang Ehipto, Matandang Ehipto, o Lumang Ehipto ay isang matandang kabihasnan sa silangangHilagang Aprika, na matatagpuan sa mababang bahagi ng Ilog Nilo na kung saan naroon ang makabagong bansa ngEhipto. Nagsimula ang kabihasnan noong 3150 BC kasama ang pampolitika na pagsasama ng Mataas at Mababang Ehipto sa ilalim ng unang paraon, at umunlad sa mga sumunod na 3 milenyo. Naganap ang isang sunod-sunod na matatag na panahon, na tinatawag na mga kaharian, na nahahati sa mga kaugnay na hindi matatag na panahon na tinatawag na mga Panahong Nasa Pagitan (Intermediate Periods). Pagkaraan ng matapos ang huling kaharian, kilala bilang Bagong Kaharian, pumasok ang kabihasnan ng lumang Ehipto sa isang panahon ng mabagal, walang pagbabagong paghina, noong mga panahon na sinasakop ng sunod-sunod ang Ehipto ng banyagang kapangyarihan. Opisyal na natapos ang paghahari ng mga paraon noong 31 BC nang sakupin ng naunang Imperyong Romano ang Ehipto at ginawang isang lalawigan.

Kabilang sa mga maraming mga nakamtan ng lumang Ehipto ang isang sistema ng matematika, pagtibagan, pagtilingin at pamamaraan sa pagtatayo na napagaan ang paggawa ng dakilang tagilo o piramide, mga templo, mga obelisk, porselana at teknolohiya ng salamin, isang praktikal at epektibong sistema ng medisina, mga bagong uri ng panitikan, mga pamamaraan sa sistema ng patubig at produksiyon ngpagsasaka, at unang kilalang kasunduan sa kapayapaan.[6] Nag-iwan ang Ehipto ng isang nanatiling pamana: kinokopya ang sining atarkitektura at pinaparada ang kalumaan sa buong mundo, at nagbibigay-sigla ang mga panghabang-panahon na guho sa mga imahinasyon ng mga turista at manunulat sa nagdaang daang-taon. Nagdulot ang isang bagong respeto sa lumang panahon at mga paghuhukay sa unang makabagong panahon ng isang siyentipikong pagsisiyasat ng kabihasnan ng Ehipto at isang mas malaking pagkalugod sa pamanang pang-kultura nito para Ehipto at sa buong daigdig.[7]
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento