Biyernes, Agosto 1, 2014

CHINA
Mga Dinastiya sa China
1. Zhou o Chou (112 B.C.E. – 221 B.C.E.).
Dinastiyang Zhou

Crossbow
Confucius



· Naipasa sa dinastiyang Zhou ang “Basbas ng Langit” at ang titulo na “Anak ng Langit”.
· Naimbento ang bakal na araro.
· Ipinagawa ang mga irigasyon at dike laban sa pagbaha ng Huang Ho.
· Nagpagawa ng mga kalsada at sumulong ang kalakalan.
· Naimbento ang sandatang crossbow at bumuo ng hukbong nakakabayo at gumamit ng chariot.
· Dahil malawak ang teritoryo ang Zhou, humina ang control nito sa mga nasasakupang estadong lungsod.
· Nauwi ito sa panahon ng digmaan ng mga estado owarring states.
· Lumitaw ang pilosopiyang Confucianism at Taoism.
· Si Confucius ang naghain ng solusyon sa kaguluhan ng lipunan.


2. Qin o Ch’in ( 221-206 B.C.E).
Dinastiyang Qin
Zheng
Great Wall Of China


· Nagapi ng Qin ang mga kalabang estado sa ilalim ng pamumuno ni Zheng.
· Napabagsak ni Zheng ang Zhou noong 221 B.CE.
· Idiniklara ni Zhen gang sarili bilang si Shi Huangdi o Shi Huang Ti, na nangangahulugang “Unang Emperador”.
· Naganap ang kosolidasyon sa China sa panahon ng Qin.
· Pinili ni Shih Huangdi bilang tagapayo ang mga iskolar ng pilosopiyang Legalism.
· Kailangang malulupit ang batas at mabibigat ang parusa upang maabot ang kaayusan, ayon sa Legalism.
· Si Li Xi, isa sa mga legalista, ang nagaing punong ministro ni Shih Huangdi.
· Ayon kay Li Xi, makasasama sa China ang maraming libro at ideya na tumutuligsa sa Qin.
· Sinunog ang lahat ng libro sa China at maraming skolar ang hinuli at piñata, iniwan lang ang mga aklat tungkol sa agrikultura, medisina, at mahika.
· Inutos ni Shih Huangdi na ipatayo ang Great Wall Of China bilang proteksyon sa pagatake ang mga kalaban.
· Sa pagkamatay ni Shih Huangdi bumagsak din ang dinastiyang Qin.

3. Han (206 B.C.E – 220 C.E.).
Dinastiyang Han
Liu Bang
Wudi
Silk Road

· Kinikilala ang Han bilang isa sa mga dakilang dinastiya sa China.
· Itinatag ito ni Liu Bang noong 206 B.C.E.
· Pinalitan niya ang mararahas na patakaran ng Qin.
· Ang Confucianism ang naging opisyal na pilosopiya.
· Natamo ng Han ang tagumpay sa panahon ni Wudi o Wu ti.
· Pinalawak ni Wudi ang teritoryo ng Han sa pamamagitan ng pagsakop ng iba pang teritoryo.
· Sa panahon ng Han napatanyag ang Silk Road, isang ruta ng kalakalan.
· Sa tala ang dinastiang Han, nakarating sa Rome ang isang pangkat ng mga Tsinong juggler.
· Nakarating sa rome ang seda ang China na tinatawag naseres.
· Sa dinastiyang ito naimbento ang papel, porselana, atwater-powdered mill.
· Nabuhay sa panahong ito si Simaqien, ang dakilang historyador ng China.
4. Sui (589 – 618 C.E).
Dinastiyang Sui
Grand Canal sa China
· Mabilis na pumalit ang Sui pagkatapos bumagsak ang Han.
· Napasok din sa China ang mga nomadikong mandirigma.
· Watak-watak ang China nang may 400 na taon.
· Umabot ang Buddhism sa China.
· Bumalik ang konsolidasyon.
· Itinatag ito ni Yang Jian.
· Itinayo ang Grand Canal.

5. Tang (618-907 C.E.).
Dinastiyang Tang
Li Yuan
Woodblock Printing
· Labis na nagdusa ang mga magsasaka dahil ginamit silang manggagawa sa proyekto ng Sui.
· Nag-alsa sila na pinamunuan ni Li Yuan na itinatag ang dinastiyang Tang.
· Tinawag si Li Yuan na Emperador Tai Cong.
· Pangalawa ang Tang sa mga dakilang dinastiya ng China.
· Naimbento sa panahong ito ang woodblock printing. At napabilis angpaggawa ang mga kopya nganumang sulatin.
1. 6.Song o Sung (960-1278 C.E.).
1.
Dinastiyang Song
Gun Powder
Foot Binding
Heneral Zhao Kuangyin

· Watak-watak muli ang China ng bumagsak ang Tang.
· Ikatlo sa mga dakilang dinastiya ang Song.
· Itinatag ito ni Heneral Zhao Kuangyin.
· Nag patuloy ang pagsalakay ang pagsalakay ng pangkat-etniko sa Hilangang Asya.
· Kahit nasakop sila ng mga nomadiko patuloy pa rin ang pamumulaklak ng sining at panitikan.
· Naimbento ang gun powder.
· Nagsimula ang tradisyon ng footbinding sa nga babae.
· Lumitaw ang Neo-Confucianism na binuo ni Zhuxi.

7. Yuan (1278-1368 C.E.).
Dinastiyang Yuan
Kublai Khan
Marco Polo

· Daidu ang naging kapital ang Yuan – unang banyagang dinastiya ng China.
· Si Kublai Khan ang nagtatag ng dinastiyang Yuan.
· Ipinairal ng Mongol ang Confucianism bilang pilosopiya.
· Nasa mataas na posisyon ang imperyo ng mga Mongol.
· Nagkaroon ng maraming manglalakbay sa Yuan at isa na doon si Marco Polo.

8. Ming (1368-1644 C.E.).
Ming

· Pinalitan ng mahihinang emperador si Kublai Khan.
· Noong 1368 napabagsak ng hukbo ni Zhu Yuanzhang ang Mongol sa Daidu at itinatag ang Ming.
· Ang Ming ang ikaapat sa mga dakilang dinastiya sa China.
· Nanumbalik ang mga Tsino sa pamamahala sa kanilang bansa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento